Aral muna, bata

Sa Pilipinas, uso ang mana-mana.

‘Yung pag-aaralin ka ng mga magulang mo, tapos kapag nakapagtapos ka at may trabaho na, ikaw naman ang magpapaaral sa kapatid mong sunod sayo. Tapos ‘yung kapatid mong iyon, siya naman ang bahala sa sumunod sa kanya, o kay bunso.

Wala akong masamang saloobin sa mga pamilyang may ganitong set-up kasi kaniya-kaniya tayo ng mga pagsubok sa buhay. Ayokong mag-dwell sa negatibo na bakit kasi hindi pinaghandaan ng magulang, o bakit ipasasalo sa mga anak ‘yung mga ganoong responsibilidad.  Sa totoo lang, mas kumbinsido ako na ginawa ng mga magulang na iyon ang lahat-lahat ng makakaya nila maibigay lamang ang lahat ng pangangailangan ng mga anak nila. And I admire them for that.

Very admirable din ‘yung mga ate at kuyang pinag-aaral ‘yung mga sumunod sa kanila. Nakatutuwang makita na after a couple of years ay successful na silang lahat at nakaaangat na ‘yung pamumuhay. I personally know a family na ganito and it makes you believe na hardwork and sacrifice really pay off.

Saludo ako sa mga ate o kuya na nagpaaral ng kapatid, at sa mga pinag-aral na nagsipag at ginawa ‘yung best nila para masulit ‘yung sacrifices ng mga kapatid at mga magulang nila. 💓

Pero recently, naiinis ako.

Naiinis ako sa mga batang pilit iginagapang na pag-aralin ng kani-kanilang mga magulang, ate o kuya pero walang ginawa kundi lumandi, pumetiks o bumarkada.

‘Yung tipo ng estudyante na puro reklamo na hindi marunong magturo ang mga guro nila pero wala namang ginawa para tulungan ang sarili at mag-aral ng kusa.

‘Yung estudyante na bumagsak dahil sa mga pagkukulang ng mga guro, super hirap na exams, sobrang kapal ng mga librong dapat aralin, o kasalanan ng lahat ng bagay o tao sa mundo maliban sa sarili niya.

‘Yung high school student na nainlove, nasaktan, at nawalan ng ganang mag-aral kasi parang end of the world na noong naghiwalay sila…tapos next month feeling in love na naman siya.

‘Yung tipo na nagmamaktol kapag hindi naibigay ‘yung gusto, kesyo ngayon lang naman daw, siya lang sa mga barkada niya ang walang ganoong gamit, o nakahihiya kasi wala siyang panlibre sa mga kaklase niya.

‘Yung feeling niya namimitas ng pera ‘yung mga nagpapaaral sa kanya na kailangan pa niya ng ‘suhol’ o ‘pampagana’ para magsipag at mag-aral ng mabuti.

Bata, eto ang mga masasabi ko para sa’yo:

Isipin mo din kung magkano ba ang sinasahod ng mga nagpapaaral sayo. Magkano ba ang gastusin sa pagkain, sa kuryente, tubig, at sa mga pansarili nilang pangangailangan?

‘Wag pasikat o pasosyal kung hindi naman kaya, lalo na at hindi mo pera ‘yan. Pera ‘yan na pinaghihirapan ng mga taong concerned sa kinabukasan mo na sa halip na dagdag sa ipon nila o pambili nila ng sarili nilang gamit, e mas pinili nilang itabi para sa pag-aaral mo.

So next time na kailangan mo pa ng ‘inspiration’ o suhol para mag-aral, isipin mo muna ‘yung kalagayan ng nagpapaaral sayo.

Bigyan mo naman sila ng pakunswelo de bobo. ‘Wag ‘yung feeling mo pati luho mo responsibilidad nilang ibigay, na feeling mo required silang bigyan ka ng ‘valid reason’ para magsumikap mag-aral, na akala mo dapat ibinibili ka nila ng mga bagong damit, sapatos, mamahaling cellphone at prepaid load kasabay ng pagbili nila ng para sa sarili nilang pangangailangan.

Okay lang ho kung may sobra sila, pero ‘wag demanding, okay?

‘Wag puro lovelife at OOTD, aral-aral din. Kung gusto mo ng bagong damit para sa selfie at profile picture mo, pag-ipunan mo ng paunti-unti mula sa allowance mo.

‘Wag puro hingi tapos puro bagsak ka naman at tamad.

Sorry, hindi kasi ako naniniwala sa mga ‘sobrang bobo’ na kaya hanggang doon lang talaga ang kaya nila.

Ang utak parang gamit na kinakalawang kung hindi ginagamit, so magbasa ka din ng libro o articles sa internet ‘wag lang puro Facebook status at viral posts. Manood ka din ng tutorials sa Youtube ‘wag puro GGV, MMK, at The Voice. Maglaro ka din ng mind puzzles/ games ‘wag puro Everwing, Solitaire o Pokemon Go.

Make their sacrifices worth it naman, please.

Sorry, not sorry.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s